Romeo humabol sa deadline
MANILA, Philippines - Magiging kapana-paÂnabik ang magaganap na PBA Rookie Draft sa Nobyembre 3 sa RoÂbinÂson’s Place sa Ermita, Manila dahil punung-puno ito ng mga de-kalibreng manlalaro.
Umabot sa 84 ang bilang ng mga manlalarong magbabaka-sakaling masama sa PBA teams para sa papasok na bagong season at kasama sa humaÂbol sa deadline kahapon ang UAAP MVP ng FEU na si Terrence Romeo.
Bukod kay Romeo, ang iba pang guards na magkakaroon ng interes ang mga PBA teams ay sina Jeric Teng ng UST, RR Garcia ng FEU, Ryan Buenafe ng Ateneo, Jens Knuttle ng FEU, Anjo Caram ng San Beda at Jeric Fortuna na daÂting manlalaro ng UST pero nakasama ng San Miguel Beer nang nagkampeon sa ASEAN Basketball League noong nakaraang taon.
Si 7-footer Greg Slaughter ng Ateneo naman ang mangunguna sa mga big men na kinabibilanganan din nina 6’7 Ian Sangalang ng San Sebastian, 6’7 Raymund Almazan ng Letran, 6’6 Justin Chua ng Ateneo at 6’7 JP Erram ng Ateneo.
Sina Nico Salva ng AteÂneo, Jeckster Apinan ng Jose Rizal University, Dave Najorda ng San Sebastian at mga Fil-Ams 6’8 John Usita at 6’9 Isaac Holstein ang iba pang bigmen na maaaring pagpilian ng ibang koponan.
Ang Barangay Ginebra ang siyang unang pipili at sinasabing si Slaughter na ang kanilang gagawing top pick dahil bihirang dumaÂting ang pagkakataon na makakuha ng malaki at mahusay na bigman.
Ang San Mig Coffee ay may dalawang picks sa first round sa pangalawa at pang-sampu habang ang Barako Bull ay huhugot sa ikaapat hanggang ikaanim na pick.
May dalawang picks din ang Rain or Shine sa ikatlo at ikasiyam habang ang Globalport at Alaska ay may isang pick na mangyayari sa ikapito at walo.
Rerebisahin pa ng PBA ang talaan at titignan kung ayos ang lahat ng mga dokumento at papeles at sa Oktubre 30 ilalabas ang final list na siyang pagpipilian ng mga koponan.
- Latest