^

PSN Palaro

Myanmar binomba, PSC nagmamatyag

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusing inaantaba­yanan ng mga sports officials ng bansa ang nangyaring pagsabog sa Myanmar kamakailan.

Anim na pagsabog ang naghari sa iba’t-ibang lugar sa Yangon at Naypyitaw na siyang pagdarausan ng SEAG sa Dis­yembre.

Dalawa ang sinasabing namatay dahil sa pangyayari at ilang hindi tukoy na bilang ng mga na-injured pero sinasabing isa rito ay tourista galing US.

Wala namang umaako sa pagpapasabog hanggang ngayon.

“This sounds serious. We are monitoring the situa­tion. We don’t like to get caught in the middle of all this,” wika ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Hinihintay naman ng POC ang ulat mula kay 1st Vice President Jose Romasanta na tumungo sa nasa­bing bansa para isumite ang opisyal na talaan ng Pambansang delegasyon na maglalaro sa SEAG.

May 208 atleta ang ba­lak na ipadala ng Pilipinas sa kompetisyong itinakda mula Disyembre 11-22.

Hanap ng Pambansang atleta na manalo ng 35 hanggang 40 ginto na kung maisasakatuparan ay hihigit sa 36 na nakuha ng mas malaking koponan na inilaban sa Palembang, Indonesia noong 2011.

“I hope this won’t affect the Games. We will always look after the safety of our athletes. We will keep our fingers crossed,” pahabol ni Garcia.

DALAWA

DISYEMBRE

GARCIA

HINIHINTAY

MASUSING

MYANMAR

PAMBANSANG

RICARDO GARCIA

VICE PRESIDENT JOSE ROMASANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
21 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with