MANILA, Philippines - Nananalangin si Smart-Maynilad coach Roger GoÂrayeb na mapapahintulutan pa si Dindin Santiago na makapaglaro sa mahalaÂgang Game Two ng Shakey’s V-League Open Conference Finals sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.
Ang 6’1 spiker na si Santiago ay makakasama ng National University na maglalaro sa UniGames sa Bacolod City. Ang Lady Bulldogs ay aalis sa Lunes.
“Kung mapapahintulutan siyang maglaro, magiÂging masaya ako dahil sa Game Three ay talagang hindi na puwede si Dindin kung umabot kami,†wika ni Gorayeb.
Gumawa ng 12 hits si Santiago sa Game One na pinagwagian ng Cagayan Province sa limang mahigpitang sets, 26-24, 25-11, 23-25, 11-25, 15-12, noong Martes.
Pangunahing manlalaro si Santiago ng Lady Bulldogs at sa first conference sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s ay napagkampeon niya ito para kilalanin din bilang MVP ng ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.
Sakaling makatabla ang Net Spikers, ang deciding Game Three ay gagawin sa Oktubre 27.
Kung hindi mapahintuÂlutan, kakailanganin ni GoÂrayeb ang mas mainit na pagÂlalaro sa ibang inaasahan. Si Lithawat Kesinee ay mayroong 20 hits pero malamig ang laro nina Alyssa Valdez at Sue Roces na mayroon lamang tig-pitong marka.
Tiniyak ni Gorayeb na ayos naman ang kalagayan ni Valdez na nasaktan matapos magbanggaan ang kakamping si Maru Banaticla sa third set.
“Makakapaglaro siya,†pagtitiyak ni Gorayeb sa mahusay na spiker na manlalaro din ng Ateneo.