NCAA nagkansela ng mga laro dahil sa sobrang trapik

MANILA, Philippines - Umusog pa ng isang playdate ang aksyon sa 89th NCAA basketball matapos kanselahin ng pamunuan ang mga naka­takdang laro kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa kalatas na ipinalabas ni NCAA Mancom chairman Dax Castellano ng host St. Benilde, kanyang sinabi na ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil sa medical mission na isinagawa ng Iglesia ni Cristo ang nagtulak sa liga na ipagpaliban ang mga laro na dapat katampukan ng EAC at Mapua at San Beda at Arellano.

“Due to heavy traffic in relation to the INC medical mission in some parts of Metro Manila, the NCAA as suggested by MANCOM members--has decided to postpone its basketball games today at The Arena in San Juan. We understand the difficulties that our students and athletes may encounter going to the venue. We will advise when the postponed games will be scheduled. Thank you,” wika ng statement ni Castellano.

Ito ang ikalawang playdate sa second round na kinansela matapos maudlot din ang nakatakdang laro noong Setyembre 23 sa pagitan ng St. Benilde-San Sebastian at Arellano-Jose Rizal University dahil sa malakas na ulan dulot ng Habagat.

Show comments