^

PSN Palaro

MVP balak bumili ng share sa Golden State

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukas pa rin ang ideya ni Manny V. Pangilinan na maging stakeholder sa isang NBA team.

Ilang impormante ang nagsasabing nakatakdang bumili ng share si MVP sa Golden State Warriors.

“Yes I said (before) that I remained interested in an NBA team, even in a modest stake-just to learn,” wika ni Pangilinan, sa text na ipinadala ni Patrick Gregorio ng MVP Group sa mga mamamahayag.

Matatandaan na naunang nagplano si Pangilinan, ang pangulo rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na bumili ng majority stake sa Sacramento Kings, bagay na hindi natuloy.

Nais ni MVP na sa Golden State Warriors siya sumama dahil ang base ng koponan ay sa California na kung saan maraming Filipino ang naninirahan.

Nagkaroon ng pagkakataon na magkaharap si Pa­ngi­linan at ang papaalis na NBA commissioner David Stern noong Biyernes at sinasabing pahapyaw na napag-usapan ang nasabing plano.

“He (Stern) said we’d be   welcome although franchise prices have gone up,” dagdag ng mensahe ni Pangilinan.

Ang Warriors na binili nina Joe Lacob at Peter Guber ng Mandalay Entertainment mula sa dating may-ari na si Chris Cohan sa halagang $450 million ay sinasabing nagkakahalaga ngayon ng $800 million.

Kasama rin sa napag-usapan nina MVP at Stern ay ang posibilidad ng pagdayo sa bansa ng mga NBA superstars para magkaroon ng part two ang Smart All-Stars.

Ang event na ito ay naunang idinaos noong 2011 at sina Kobe Bryant, Derrick Rose, Kevin Durant  at Chris Paul ay nakipaglaro sa PBA All Stars at sa Gilas team na pinamunuan nina JV Casio at Marcus Douthit.

Si Stern ay bumisita sa bansa matapos ang kauna-unahang NBA Pre-Season Game noong Huwebes sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.

ALL STARS

ANG WARRIORS

CHRIS COHAN

CHRIS PAUL

DAVID STERN

DERRICK ROSE

GOLDEN STATE WARRIORS

JOE LACOB

PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with