Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
3 p.m. Smart-Maynilad
vs Army
MANILA, Philippines - Inangkin na ng CagaÂyan Province ang unang puÂwesto sa finals ng ShaÂkey’s V-League Season 10 Open Conference sa madaling 27-25, 25-19, 25 panalo sa Air Force sa semifinals kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Sa first set lamang napalaban ang Lady Rising Suns nang bumangon sila mula sa double set point na kalamangan ng Air Women upang kumpletuhin ang 2-0 sweep sa kanilang serye.
Si Kannika Thipachot ay mayroong 18 hits, tamÂpok ang 14 kills, para pangunahan ang tropa ni coach Nestor Pamilar na naisulong sa 14-0 ang winning streak sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Maghihintay pa naman ng makakalaban ang Cagayan sa best-of-three Finals dahil ang number two seed na Army ay humirit ng do-or-die game sa Smart-Maynilad matapos ang 25-21, 18-25, 12-25, 25-23, 15-10 panalo sa unang laro.
Sa pagkakataong ito, ang 2011 champion ang nakitaan ng ibayong tikas nang naisantabi ang 16-23 iskor sa fourth set ng Net Spikers para magkaroon ng rubbermatch bukas sa ligang suportado rin ng Accel at Mikasa.
Si Dahlia Cruz na nagÂlaro lamang sa fourth at fifth set ang bumuhay sa opensa ng Lady Troopers sa ikaapat na set bago kinumpleto nina MJ Balse at Jovelyn Gonzaga ang pagbangon mula sa 1-2 iskor.
“She stepped up big when we needed her most,†pahayag ni Army coach Rico de Guzman s amahusay na performance ni Cruz.
Si Balse ay may 12 his mula sa 9 kills at 3 blocks at ang kanyang dalawang tapik at crosscourt spike ang siyang nagbigay ng panalo sa Army sa labang tumagal ng isang oras at 51 minuto.
Nasayang naman ang pinagsamang 69 hits nina Alyssa Valdez, Lithawat Kesinee, Wanida Kotruang at Grethcel Soltones nang namalahibo ang mga ito noong umarangkada ang Army.