Indiana, Houston handa na

Nag-uusap sina Paul George ng Indiana at James Harden ng Houston sa kanilang team practice kahapon. (Kuha ni Jun Mendoza)

Laro Bukas

(Mall of Asia Arena)

7 p.m. Houston Rockets vs Indiana Pacers

 

MANILA, Philippines - Sa pre-season game pa lamang ay makikita na kung gaanong kabigat ang ginagawang preparasyon ng In­diana Pacers at ng Houston Rockets para sa darating na NBA season.

Unang nag-ensayo ang Indiana kung saan ilang be­ses na tumirada ng three-point shots ang nagbabalik na si Danny Granger.

 â€œWe’re gonna play,” sabi ni Granger sa pre-season game ng Pacers at Rockets bukas sa ganap na alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakasama ni Granger sa ensayo sina Paul George, Roy Hibbert at guard George Hill.

Sinabi ni Indiana coach Frank Vogel na babawi sila ma­tapos mabigo sa Miami Heat sa nakaraang NBA Eas­tern Conference Finals.

“Whether we’re a team trying to make the playoffs or a lottery team, or a team one game away from the NBA Finals, I think there’s just great support for basketball and the NBA product we have here, something that we’re all embracing,” ani Vogel.

Matapos ang Pacers, ang Rockets naman ang su­­munod na tumapak sa basketball court tampok ang ba­­gong sentrong si 6-foot-11 Dwight Howard kasama sina James Harden at Jeremy Lin.

“I think we have a good opportunity to win and we have a great team,” ani Howard, ang 2004 top overall pick ng Orlando Magic. “Everybody on our roster is looking forward to having a great season.”

Pinagkaguluhan din ng media ang 25-anyos at 6’3 na si Lin, sumikat noong 2011 nang igiya sa magkakasunod na panalo ang New York Knicks.

Show comments