DASMARIÑAS, Philippines-- Kapwa inangkin ng National ColÂlege of Business and Arts Wildcats at ng La Salle-Dasmariñas Lady PaÂtriots ang korona ng men’s at women’s volleyball tournament ng 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA).
Umiskor ang Wildcats ng isang 26-24, 22-25, 19-25, 25-20, 16-14 panalo laban sa Rizal Technological University Blue Thunder sa Game 2 para walisin ang kanilang best-of-three finals series sa Ugnayang La Salle gymnasium.
Ito ang unang titulo ng NCBA sa kanilang unang taon sa liga.
Sumandal naman ang Lady Patriots sa mga defensive plays ni Jessamine Fernandez para payukurin ang NCBA Lady Wildcats, 25-19, 28-26, 28-26, at mapanatili ang kanilang women’s crown.
Si Lady Patriots spiker Mariel Desengano ang hinirang na women’s MVP.
Tumabla naman ang Lady Wildcats sa 26-26 mula sa service error ni Danikka Canilang ng Lady Patriots.
Ngunit namayani si Fernandez para maibigay sa Lady Patriots ang korona mula sa kanyang dalawang sunod na spike points.