Smart PTL tourney muling magbabalik

MANILA, Philippines - Muling magpapatuloy ang mga aksyon sa 2013 SMART Philippine Taek­wondo League sa limang SM malls tampok ang mga batang atleta.

Idaraos sa SM Manila ang dalawang events sa Oktubre 5 at sa Oktubre 13, habang sa SM Sucat gagawin ang labanan sa Oktubre 6, sa SM Valenzuela sa Oktubre 12 at sa SM Bicutan sa Oktubre 13.

Hahawakan ng SM Fair­view ang torneo sa Oktubre 29 na suportado ng MVP Sports Foundation, SMART Communications Inc., PLDT, TV5, Meralco, Philippine PSC at POC.

 Inaasahan nina tournament commissioner Monsour del Rosario at tournament director Stephen Fernandez ang mga maaksyong labanan sa event.

Tiniyak ng officiating sys­tem na PSS (Protective Sco­ring System) at ang ESS (Electronic Scoring System) katuwang ang IVR Instant Video Replay na magiging patas ang pagbibigay ng iskor.

 Nagdesisyon sina Del Rosario at Fernandez na isama ang isang Tag round na ginamit ng World Ta­ek­wondo Federation.

Sa nasabing setup, ang isang koponang may maximum 10 players ay maaaring gumawa ng unli­mited substitution sa isang 5-minute round at ang tropang magtatala ng pinakamataas na iskor ang mananalo sa laban.

Show comments