Fernandez pinabilib ni Dela Rosa
MANILA, Philippines - Sa larong sumukat sa tikas ng three-time defenÂding champion San Beda, ang beteranong si Rome dela Rosa ang siyang tumayo para balikatin ang koponan tungo sa panalo sa San Sebastian at Perpetual Help.
“Wala na akong mahihingi sa kanya dahil talaÂgang maganda ang inilaÂlaro niya sa amin,†wika ni Lions coach Boyet Fernandez sa 22-anyos na si Dela Rosa na siyang ginawaran ng ACCEL 3XVI NCAA Press Corps Player of the Week na suportado rin ng Gatorade.
Unang nasukat ang Lions sa Perpetual Help na kanilang natakasan sa overtime, 78-76, dahil na rin sa isang key assist ni dela Rosa kay Arthur dela Cruz.
Sa laro kontra sa Stags, naghabol ang Lions at natiyak nila ang panalo nang naipasok ng 6’1 cager ang buslo mula sa pasa ni Dela Cruz tungo sa 72-68 tagumpay.
Sa dalawang naipanalong laro, ang anak ng daÂting PBA player Romy dela Rosa ay naghatid ng mga numero na 15 puntos, apat na rebounds, 1.5 assists at 1.5 steals kada laban.
May 13-2 baraha na ang Lions na halos selyado na ang isang twice-to-beat advantage na ibibigay sa mangungunang dalawang koponan.
Ang pambatong sentro ng Lions na si Olaide Adeogun ay ikinonsidera rin sa lingguhang parangal bukod pa kina Raymund Almazan ng Letran, Mark Francisco ng Lyceum at Jolas Paguia ng EAC.
- Latest