STANDINGS W L
Cagayan 11 0
Army 9 1
Smart 6 4
Air Force 6 5
Meralco 3 7
PNP 2 8
Laro sa Biyernes
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. PNP vs Meralco
4 p.m. Smart-Maynilad
vs Army
MANILA, Philippines - Inspiradong naglaro ang Philippine Air Force para tapusin na ang labaÂnan para sa Final Four sa Shakey’s V-League Season 10 Open ConfeÂrence sa pamamagitan ng 19-25, 25-20, 25-14, 25-22, tagumpay sa Meralco kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Pinahirapan ng Air WoÂmen ang Power SpiÂkers ng matinding serve game upang makabangon mula sa pagkatalo sa first set at kunin ang ikaanim na panalo matapos ang 11 laro.
Sapat na ito para kuÂnin ang ikaapat at huling puwesto sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Nalaglag ang Power Spikers sa 3-7 baraha at kahit maipanalo ang nalaÂlabing dalawang laro ay hanggang limang panalo na lamang ang kanilang pinakamataas na natapos sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.
Ang setter na si Rhea Dimaculangan ay nagtala ng limang aces para pamunuan ang 14-4 bentahe sa serve.
May 38 excellent sets din ang dating manlalaro ng UST at ang mga nabiyayaan ng mga magandang sets ay sina Judy Ann Caballejo at Joy Cases na may 16 at 15 kills.
Si Caballejo ang naÂnguna sa Air Force sa kanyang 21 marka kasama pa ang apat na service aces habng si Cases ay mayroong 17 hits. Sina Maika Ortiz at Wendy Semana ay nagdagdag pa ng 11 at 10 hits.
May 20 puntos si Coco Wang, tampok ang 18 kills habang 16 hits mula sa 11 kills at 4 blocks ang ibinigay ni Maureen Ouano para sa Power Spikers na lumasap ng ikatlong sunod na kabiguan sa yugto.
Kinuha naman ng Cagayan ang ika-11 sunod na panalo nang kalusin ang Philippine National Police, 25-20, 25-21, 22-25, 25-21, sa unang laro.
Dalawang laro na lamang kailangan nilang bunuin para makamit ang number one seeding papasok sa semifinals.