Servania babawian si Concepcion

MANILA, Philippines - Maipaghiganti ang pagkatalo ng kababayang si AJ Banal ang masid- hing hangarin ni Genesis “Azukal” Servania sa pagsagupa laban kay Rafael Concepcion ng Panama sa Oktubre 26 sa Waterfront Hotel sa Cebu City.

Si Concepcion ang tumalo kay Banal noong 2008 dahilan upang masira ang sana’y papaangat na career ng boksingerong nakilala sa taguri bilang “Bazooka”.

“Napanood ko ang laban nila ni AJ  at sa tingin ko ay kaya ko siya.

Wala rin akong nakikitang problema sa stamina ko,” wika ni Servania, hindi pa natatalo matapos ang 21 laban kasama ang 8 KOs, nang naging bisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Tampok na laban ito sa Pinoy Pride XXII na handog pa rin ng ALA Promotions at paglalabanan nina Servania at Concepcion ang WBO Asia-Pacific super-bantamweight title.

Isa pang laban na kasa­sabikan ay ang pagkikita nina “King” Arthur Villa­nueva laban kay Jose Cab­rera ng Mexico para sa WBO Asia-Pacific super-flyweight crown.

Wala ring dungis ang baraha ni Villanueva matapos ang 23 laban habang si Cabrera na may mo­nicker na “Matador” ay may res­­­pe­tadong 22 panalo sa 27 laban.

“Pinag-aralan ko na  ang mga kilos niya. Dalawa lamang ang talagang mabigat na nakalaban niya at ayaw niyang masaktan,” wika ni Villanueva.

Kumatawan naman sa ALA Promotions si events manager Claire Lukban at nakikita niyang masisiyahan ang mga manonood ng mga labang kanilang inihahanda.

“Taga-Bacolod sina Genesis at Arthur pero sa Cebu namin sila dinala dahil dito natalo si Banal kay Concepcion. Magiging historic moment ito para sa mga Cebuanos lalo na kung mabawian ni Genesis si Concepcion,” pahayag ni Lukban.

Show comments