^

PSN Palaro

Cebu kampeon sa BP Visayas leg

Pilipino Star Ngayon

MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Tuluyan nang inangkin ng Cebu City ang overall championship nang kumolekta ng kabuuang 71 gold, 52 silver at 25 bronze medals sa pagtatapos ng Philippine Sports. Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg.

Dinomina ng Cebu City, naglahok ng 168 atleta, ang halos 20 sports kasama dito ang swimming, kara­tedo at athletics.

Ang Queen City of the South ang inaasahang magiging paborito para sa National Finals sa Nob­yembre sa Bacolod City. Sa swimming ay kumuha ang Cebu City ng kabuuang 26 golds, 17 silvers at 5 bronzes kasama dito ang anim ng 14-anyos na si Karen Mae Indaya.

Pumangalawa naman ang Bohol Province na may 23 gold, 15 silver at 11 bronze medals.

Ang 21 ginto ng Bohol Province ay kanilang sinikwat sa swimming.

Pumitas naman ng ginto ang Iloilo City sa arnis, pencak at karatedo para sa kanilang 18 golds, 4 silvers at 7 bronzes.

 

ANG QUEEN CITY OF THE SOUTH

BACOLOD CITY

BOHOL PROVINCE

CEBU CITY

COMMISSION-PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE BATANG PINOY VISAYAS

ILOILO CITY

KAREN MAE INDAYA

NATIONAL FINALS

PHILIPPINE SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with