Lady Patriots lumapit sa korona

MANILA, Philippines - Tinalo ng nagdedepensang La Salle-Dasmariñas Lady Patriots ang National College of Business and Arts Lady Wildcats, 15-25, 25-20, 25-20, 23-25, 15-11, para makalapit sa pagwalis sa kanilang championship series sa 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) women’s volleyball tournament sa Rizal Technological gymnasium sa Mandaluyong.

Gumamit ang Lady Patriots ng isang oras at 49 minuto para angkinin ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three finals series ng Lady Wildcats.

Muling magkikita ang Lady Patriots at ang Lady Wildcats sa Game 2 sa Martes sa Ugnayang La Salle gymnasium sa Dasmariñas, Cavite.

Samantala, inangkin naman ng RTU ang third pla­ce mula sa kanilang 25-20, 22-25, 25-22, 25-16 panalo laban sa Trinity University of Asia.

Sa men’s side, giniba ng RTU ang Olivarez College, 25-17, 27-25, 32-30, habang binigo ng NCBA ang La Salle-Dasmarinas, 17-25, 25-23, 25-23, 25-17, para kunin ang championship slots.

Show comments