Sino ang tutuloy sa Finals? Bulldogs, Tigers maglalaglagan
MANILA, Philippines - Paglalabanan ngayon ng National University at UST ang ikalawa at huling puwesto sa Finals sa huling pagtutuos ng dalawa sa 76th UAAP men’s basketball Final Four sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Dadalhin ng number four seed na Tigers ang momentum sa number one team Bulldogs matapos ang 71-62 panalo sa Game One noong Setyembre 22.
“Hindi natin masasabi kung ano ang magiging ending nito. Basta kami handa na at lalaban lang,†wika ni Alfredo Jarencio na nais na pumasok sa championship round sa ikalawang sunod na taon.
Wala pang number four seed na pumasok sa Finals sapul nang ginamit ng UAAP ang Final Four at ito ang nais na sirain din ng Tigers.
Sina Karim Abdul, Jeric Teng, Aljon Mariano, Kevin Ferrer at Clark Bautista ang mga huhugutan ng husay ng Tigers pero malaki ang maitutulong ng bench na siyang nagpasiklab ng laro ng koponan sa unang pagtutuos.
Sa kabilang banda, pumasok sa Finals na huling nangyari noon pang 1970, ang magsisilbing inspirasÂyon ng tropa ni coach Eric Altamirano.
“UST played really sharp. Masuwerte kami na may twice-to-beat kami at may isa pang chance.Hopefully, we will be ready come the second game,†wika ni Altamirano.
Si Bobby Parks Jr. na gumawa ng 14 puntos, ang mangunguna sa koponan pero kailangan niya ng tulong ng ibang kasamahan tulad ni Emmanuel Mbe na nalimitahan lamang sa walong puntos at 9 rebounds.
Dapat ding malunasan ng Bulldogs ang pisikal na depensa ng Tigers at ang kanilang bench ay dapat na mag-deliver.
Sa Game One, ang bench ay mayroon lamang 15 puntos laban sa 24 ng UST.
Ang mananalo ang siyang makakalaban ng La Salle na nanaig agad sa FEU, 71-68, noong MiyerÂkules.
- Latest