MANILA, Philippines - Linisin ang mga estero sa Quezon City ang pagÂtutuunan ngayon ng pondong makukuha ng ABS-CBN Foundation gamit sa One Run, One Philippines eco run sa Oktubre 6 sa Quezon City Memorial Circle.
Ito na ang ikalimang taon ng proyekto at umaÂbot na sa P25.94 milyon ang perang nalikom sa mga naunang patakbo na ipinantustos sa paglilinis sa Estero de Paco at Estero de San Miguel.
Isasabay sa 60th aniÂbersaryo ng ABS-CBN, pinalawig ang sakop ng patakbo dahil sa gagawing simultaneous run sa Cebu City, Bacolod City, Davao City at Burbank, California na ang layunin din ay ang makakalap ng pondo para ipantustos sa ecotourism projects sa mga nabanggit na lugar.
Non-competitive ang patakbo na gagawin sa distansyang 21K, 10K at 5K at ito ay magsisimula sa ganap na alas-4:30 am at katatampukan din ang patakbo ng mga kilalang artista ng network na makikihalubilo sa mga sasali.