MANILA, Philippines - Isang maimpluyensyang personalidad ang nais na tumulong para ibalik ang sigla ng bilyar sa bansa.
Si Charlie Cojuangco, na anak ni Eduardo “Danding†Cojuangco Jr. at dating kinatawan ng Negros Occidental, ay nagpahayag ng interes na gabayan ang nasabing sport na nagbigay ng maraming karangalan sa bansa sa mga nakalipas na taon.
“Nagkausap kami ni Charlie Cojuangco ilang linggo na ang nakaraan at talagang willing siyang tumulong. Malaki ang kanyang magagawa para sa bilyar kung bibigyan ng pagkakataon,†wika ni Perry Mariano, may-ari ng Bugsy Promotions at hawak ang mga bigating pool players na sina Dennis Orcollo at Carlo Biado at tumutulong din kay Lee Van Corteza.
Ngunit nakabinbin ang pagpasok ni Cojuangco dahil nais muna niyang maayos ang gusot sa dalawang paksyon na pinamumunuan nina Arturo “Bong†Ilagan ng BSCP at Aristeo “Putch†Puyat, ang itinuturing bilang Godfather ng billiards at pangulo ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP).
Si Ilagan ang kinikilala ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang National Sports Association (NSA) sa bilyar pero si Puyat ang kanilang kinakausap kung pagpapadala ng manlalaro sa mga malalaking torneo tulad ng SEA Games at Asian Games dahil nasa poder ni Puyat ang suporta ng mga may pangalang bilyarista ng bansa.
Ang POC ay pinamumunuan ni Jose “Peping†Cojuangco Jr. na kaanak ni Charlie.
Nangangamba si Mariano na tuluyang mamamatay ang larong bilyar sa bansa dahil wala pang nahahanap na papalit sa mga tinitingalang bilyarista na sina Efren “Bata†Reyes, Francisco “Django†Bustamante, Orcollo, Corteza at Biado.
Kasabay nito ay pinahintulutan na ni Mariano si Biado na makasama ni Orcollo para maglaro sa Myanmar SEA Games.