^

PSN Palaro

Mayweather mas gusto ng boxing fans na matuloy ang laban kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng dala­wang beses na kabiguan ni Manny Pacquiao noong nakaraang taon ay siya pa rin ang gusto ng mga bo­xing fans na makalaban ni Floyd Mayweather, Jr. sa susunod na taon.

Mula sa inisyal na 40,000 boto na isinagawa ng Sports Nation ng ESPN, halos 58 porsiyento nito ay nais mapanood ang Pacquiao-Mayweather super fight sa 2014.

Matatandaang tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa laban ng 34-anyos na si Pacquiao at ng 36-anyos na si Mayweather dahil sa isyu sa hatian sa prize money, pagsailalim sa isang Oympic-style random drug at blood testing.

Dalawang beses na­bigo si Pacquiao noong 2012 kina Timothy Bradley, Jr. (split decision) at Juan Manuel Marquez (sixth-round KO).

Dahil dito, sinabi ni Mayweather (45-0-0, 26 KOs) na wala nang halaga kung lalabanan pa niya ang laos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs).

Noong nakaraang ling­go ay nagtala si Mayweather ng record na $41.5 milyong premyo matapos dominahin ang 23-anyos na si Canelo Alvarez via unanimous decision.

Kumpara sa premyo ni Mayweather, hindi hamak na mas maliit ang tatanggaping prize money ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao sa kanyang pagsagupa kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China. Ayon kay Bob Arum ng Top Rank promotions, ma­kakakuha lamang si Pacquiao ng guaranteed purse na $18 milyon, habang $4 milyon naman ang matatanggap ng 27-anyos na si Rios.

Sinabi ni Mayweather na plano pa niyang lumaban ng dalawang beses sa susunod na taon, ngunit wala sa kanyang listahan si Pacquiao.

BAM BAM

BOB ARUM

CANELO ALVAREZ

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MARQUEZ

MAYWEATHER

PACQUIAO

SPORTS NATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with