MANILA, Philippines - Nakuha nina national bowler Benshir Layoso at Mades Arles ang karapatang katawanin ang Pilipinas sa Bowling World Cup International Finals nang hirangin bilang BWC national champions noong Biyernes sa SM Mall of Asia sa Pasay City.
Ang 44-anyos na si Layoso na isang dental cosmetic agent ay nanalo laban sa kakampi sa National team na si Raoul Miranda sa 2-0 iskor (225-211, 200-157) habang ang 25-anyos na second year high school teacher na si Arles ay nanaig sa nagdeÂdepensang kampeon at national player Krizziah Tabora, 2-1 (225-179, 175-217, 248-199) sa kababaihan.
Bibiyahe ang dalawa patungong Krasnoyarsk, Russia para sa InternatioÂnal Finals mula Nobyembre 14 hanggang 24.
“Nakuha ko rin ang gusto kong mapanalunan. Sobrang saya ko,†wika ni Layoso na nasa ikapitong taon na kumampanya sa kompetisyon.
Si Layoso ang lumabas sa unang puwesto papasok sa finals sa 6597 bago sinundan nina JeÂremy Posadas at Miranda sa 6507 at 6432.
Tinalo ni Miranda si Posadas sa tie-break, 40-37, matapos magtabla sa 224 sa first game bago nanalo sa second game, 237-188, para kunin ang karapatang labanan si LaÂyoso na umukit ng dalawang sunod na tagumpay.
Sa kabilang banda, si Arles na isa rin dating Youth Masters champion at tulad ni Layoso ay nasa pangaÂngalaga ng dating NatioÂnal coach na si Johnson Cheng ay pumangalawa papasok sa finals sa 5496.
Si Tabora ang lumabas na number one sa 5627 habang ang beteranang si Liza del Rosario ang pumangatlo sa 5417.
Dumaan sa tatlong laro si Arles para patalsikin si Del Rosario, 2-1, (205-202, 183-207, 218-207), at hindi na pinakawalan pa ang momentum nang kunin din ang panalo sa tatlong laro laban kay Tabora na tumapos sa 14th puwesto noong 2012 international finals sa Wroclaw, Poland.
“It’s a rare chance to play in the company of other national champions so I have to train hard,†wika ni Arles.