STANDINGS W L
Cagayan 7 0
Army 6 1
Air Force 5 2
Smart 4 3
Meralco 3 4
PNP 2 5
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. PNP vs Army
4 p.m. Smart vs Air Force
MANILA, Philippines - Bigyan ng magandang simula ang kampanya sa mahalagang quarterfinals ang nais ng apat na kopoÂnan na sasalang sa Shakey’s V-League SeaÂson 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Anim na koponan na lamang ang nakatayo at bitbit ang kanilang mga win-loss records sa elimination round ay sasalang pa sa isang ikutan upang malaman ang apat na teams na papasok sa crossover semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Ang pumapangalawang Army ang unang sasalang kontra sa kulelat na Philippine National Police sa ganap na alas-2 ng hapon bago sumunod ang mainit na Air Force laban sa Smart-Maynilad sa alas-4.
May 6-1 baraha ang Army Women para maiwanan lamang ng isang laro sa walang talong Cagayan Province (7-0).
Nangibabaw ang koponan sa Lady Patrolers sa straight sets sa elimination at walang nakikitang problema ang Army lalo na kung magpapatuloy ang matikas na paglalaro galing sa mga inaasahan sa pangunguna ni Jovelyn Gonzaga.
Sa straight sets din nangiÂbabaw ang Air WoÂmen sa Net Spikers para sa isa sa limang sunod na panalo na nagbangon sa koponan mula sa 0-2 panimula sa ligang may suporta rin ng Accel at Mikasa.
Pero hindi magiging madali ngayon ang hanap na panalo dahil nasa tropa ni coach Roger Gorayeb uli ang mahusay na si Alyssa Valdez.
Ito ang ikalawang laro ni Valdez at sa unang pagsama sa koponan ay gumawa ng conference-high na 28 puntos ngunit minalas na natalo ang koponan sa Army sa limang sets.
Sina Lithawat Kesinee, Maru Banaticla, Gretchel Soltones, Sue Roces at Charo Soriano ang iba pang aatake para sa Smart habang ang mga beteÂranang sina Joy Cases, Maika Ortiz, Judy Ann Caballejo at Wendy Semana ang magdadala sa Air Force.