MANILA, Philippines - Umiskor si Aries Dionisio ng 28 points para tuluÂngan ang Philippine School of Business Administration Jaguars sa 74-60 pagdurog sa Manuel L. Quezon University Stallions sa ikalawang wildcard playoff series ng 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament sa Central Colleges of the Philippines gymnasium sa Sta. Mesa, Manila.
Ang panalo ang nag-akay sa Jaguars sa semifinal round.
Nauna nang itinulak ng Jaguars ang isang rubber match matapos talunin ang Stallions, 104-86, noong Miyerkules sa Dasmariñas, Cavite.
Makakatapat ng PSBA sa semis ang second-ranked Rizal Technological University sa Lunes sa Olivarez College gymnasium sa Sucat, Parañaque.
Makakaharap ng top-seeded Olivarez College Sea Lions ang La Salle-Dasmariñas Patriots sa isa pang semifinal duel.
“I’m happy that we’re in the semis. The boys relaxed early on. The veteÂrans delivered. But the second unit still needs to improve,†sabi ni Jaguars coach Philip Cezar.