MANILA, Philippines - Inangkin ng Philippine National Police ang ikaanim at huling puwesto patungong quarterfinals sa pamamagitan ng 25-16, 25-14, 17-25, 25-21, panalo sa Philippine Navy sa Shakey’s V-League Season 10 Open ConfeÂrence kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Hindi napigilan sina Frances Molina at Sangmuang Patcharee sa openÂsa para kunin ang ikalÂawang panalo sa pitong laro sa pagtatapos ng eliminasyon sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
May 59-45 bentahe ang Lady Patrollers sa attack department at sina Molina at Patcharee ay nagsanib sa 34 kills.
Si Molina ang bumandera sa koponan sa 23 hits habang 20 ang ibinigay ng Thai import. May 17 hits pa si Janine Marciano, tampok ang apat na aces.
Si Justyne Mae Tadeo ay mayroong 11 digs habang may 25 excellent sets si Ana Concepcion sa nanalong koponan.
May 19 puntos ang beÂteranang si Michelle Laborte pero si Chris Rosale lamang ang sumuporta sa kanya sa 10 hits para matulad ang koponan sa FEU na namaalam na sa 1-6 baraha.
Ipinagkait naman ng Army ang paglasap ng panalo sa Lady Tamaraws sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa sa 25-15, 25-17, 24-26, 25-20, tagumpay sa unang laro.
Si Rachel Daquis ay may12 hits para tulungan ang Army sa pag-okupa sa ikalawang puwesto sa 6-1 baraha.
Ang FEU ay bumaba sa ikapitong sunod na pagkatalo.