MANILA, Philippines - Sumandig ang San Mig Coffee sa apat na puntos ni guard Mark Barroca sa dulo ng final canto para talunin ang Meralco, 88-87, at angkinin ang ikalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang pang-limang sunod na arangkada ng Mixers upang pumuwesto sa ikalawa sa ilalim ng Petron Blaze Boosters.
Ang Top Four teams ang makakakuha ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals laban sa apat na koponang nasa lower bracket.
“This is our sixth straight elimination that we got Top 2 or tied for second, but we only got one championship,†sabi ni head coach Tim Cone.
Matapos iposte ng San Mig Coffee ang isang 10-point lead, 34-24, sa first period, naagaw naman ng Meralco ang unahan sa 60-52 sa likod nina import Mario West at Cliff Hodge patungo sa pagbitbit sa 70-64 kalamangan sa pagsasara ng third quarter.
Isang 18-6 atake ang ginawa nina import Marqus Blakely, PJ Simon at James Yap para ibigay sa Mixers ang 82-76 abante sa huling tatlong minuto sa final canto.
Muling nakadikit ang Bolts sa 81-84 galing sa dalawang free throws ni West sa huling 2:00 minuto.
Matapos ang basket ni Barroca para sa 86-81 pagÂlayo ng San Mig Coffee sa 1:08 minuto, nagsalpak naman si Sunday Salvacion ng isang three-point shot para itabi ang Meralco sa 84-86.
Isang turnover ng Mixers sa natitirang 35.2 segundo ang nagbigay ng tsansa sa Bolts na makatabla, ngunit sumablay ang tangkang tres ni Salvacion at nahablot ni Hodge ang looseball na nagresulta sa jumpball.
Nakuha ni Barroca ang bola at umiskor para ipadyak sa 88-84 ang iskor ng Mixers sa huling 10 segundo.
Kumonekta si Mike Cortez ng isang tres para sa huÂling paghahabol ng Meralco.