St. Clare vs CEU sa NAASCU finals

Laro sa Lunes

(Makati Coliseum)

7:30 am CEU vs  RTU (W)

9 am CEU vs OLFU (Jrs.)

10:30 am CEU vs St. Clare (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Tinalo ng nagdedepensang St. Clare College-Caloocan ang Our Lady of Fatima University, 75-66, para kunin ang ikalawa at huling puwesto sa finals sa 13th NAASCU bas­ketball tournament na ginawa sa Makati Coliseum kahapon.

Sina Marte Gil, Jayson Ibay at Dennis Santos ay nagsanib sa 28 sa 32 puntos sa ikalawang yugto para lumayo sa 47-31 sa halftime matapos ang 15-13 bentahe sa first period.

Si Gil ay mayroong 22 puntos, pitong rebounds at limang assists habang si Bong Managuelod ay may 18.

Si Santos at Ibay ay tumapos bitbit ang 17 at 12 puntos.

Nagpakalbo lahat ng kasapi ng Saints, kasama si coach Jino Manan­sala para ipakita ang pagkakaisa sa hangaring ma­panatili ang titulo sa kanilang pa­aralan.

Ang Centro Escolar University ay naghihintay na sa Finals na isang best-of-three series at sisimulan sa Lunes sa Makati Coliseum.

May 13 puntos si Jun Marquez para sa Phoenix na ibinulsa ang third place trophy.

Bagamat kinapos, maituturing pa rin ng Phoenix na ito ang pinakamaganda nilang pagtatapos sapul ng lumahok sa liga noong 2009.

St. Clare 75 - Gil 22, Managuelod 18, Santos 17, Ibay 12, Jamito 3, Lunor 2, Ambulodto 1, Woundo 0.

Our Lady of Fatima 66 - Marquez 13, Banaria 8, JR Mallari 7, JJ Mallari 7, Gallardo 5, Cabrera 5, Jimenez 4, Ignacio 4, Datu 4, Jornacion 4, Rosales 3, Flores 2.

Quarterscores: 15-13, 47-31, 64-59, 75-66.

 

Show comments