17TH Asian Women’s Volleyball C’SHIPS Power Pinays biniktima ang Myanmar

NAKHON RATCHASIMA, Thailand--Dumiretso ang Philippine team sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 17th Asian Women’s Volleyball Championship sa MCC Hall of the Mall dito.

Ito ay matapos magposte si Honey Royse-Tubino ng 12 points para tulungan ang Power Pinays sa 25-18, 25-22, 25-18 paggupo sa Myanmar.

Ang panalo ang nagpalakas sa tansa ng mga Filipina na pumuwesto sa ika-9 hanggang ika-12 posisyon sa classification phase.

Nauna nang binigo ng Power Pinays ang Sri Lanka noong Lunes.

Nagdagdag si Aiza Maizo-Pontillas ng 11 points at may siyam naman si Analyn Joy Benito para sa Philippine team.

“Sobrang saya,” sabi ni team captain Angeli Tabaquero. “Ang isang panalo achievement na dahil bago kami. Eh, naka-dalawa pa, tapos three sets pa. Happy fiesta!”

Si Tabaquero ang siyang humataw ng game-clinching shot.

Kumawala ang mga Filipina spikers mula 15-15 matapos umiskor ng 10 puntos kumpara sa tatlo ng Myanmar.

“Ang taas nung pressure nung una. Pero kami trabaho lang,” wika naman ni coach Nestor Pamillar.

Show comments