MANILA, Philippines - Inungusan ng PhilHealth ang Metro Manila Development AuthoÂrity (MMDA), 77-71, para maÂkuha ang No. 4 spot kaÂsama ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals ng 1st UNTV Cup sa Treston Colelge Gym sa The Fort, Taguig.
Umiskor ang PhilHealth ng 24 points sa final period para sa kanilang 3-3 record sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (4-2).
Humakot si Alex NorieÂga ng 23 points, 18 rebounds, 5 blocks at 3 steals para banderahan ang PhilHealth.
Nalasap ng MMDA, naÂkahugot ng tig-13 points kina Maximo Guittap at Alden Nodado, ang kanilang ikaapat na kabiguan sa anim na laro.
Tinalo naman ng Philippine National Police ang Congress-LGU, 95-84, sa isa pang laro.
Bagamat may 2-4 baÂraha ang MMDA at ang Congress-LGU ay nakamit pa rin ng una ang No. 5 slot dahil sa kanilang nakaraang panalo sa huli.
Sa crossover quarterfiÂnals ay magtatapat ang AFP at ang Congress-LGU at lalabanan ng PhilHealth ang MMDA.
Ang mga mananalo ang aabante sa semis kalaban ang PNP at JudiÂciary.