Anomalya sa WAP nabuko ni Garcia
MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Wrestling Association of the Philippines (WAP) sa pagkuha ng mga di kuwalipikadong regional coaches na pinagtuturo sa mga batang nahihilig sa nasabing contact sport.
Lumalabas na matagal nang napalusutan ang PSC at umabot na sa P3 milyon ang perang nailabas bilang pansahod sa 15 reÂgional coaches na ang iba ay hindi kuwalipikado.
“We have given WAP president Albert Balde reasoÂnable time to explain why they hired unqualified regional coaches to train young athletes,†ani PSC chairman Ricardo Garcia.
Bukod sa ‘di kuwalipikado dahil hindi umano kaÂyang magdemonstra ng mga tamang porma sa pagtuturo ng wrestling, nakita pa sa pagsusuri na may kinuhang regional coach na ngayon ay nagtatrabaho rin bilang masahista ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA).
Si Raymund Ancero na kinumpirma ng PATAFA na nasa kanila bilang masahista ay itinalaga ng WAP bilang kanilang regional coach sa General Santos City at Ormoc City.
Ang rekomendasyon sa PSC para sa mga kinuhang regional coaches ay pirmado ni Balde at ang mga ito ay tumatanggap ng P15k kada buwan.
- Latest