Sea Lions top seed sa UCAA semis

MANILA, Philippines - Lumapit ang Olivarez College Sea Lions sa pagwalis sa elimination round ng 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament.

Ito ay matapos umiskor si Clarence Singh ng game-high 14 points sa 85-63 paggiya sa Sea Lions kontra sa Philippine School of Business Administration Jaguars sa Olivarez College gymnasium sa Sucat, Parañaque.

Naging sandata ng Sea Lions ang kanilang pressure defense sa second period para kunin ang 36-25 abante sa first half mula sa basket ni Kurt Labog.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Olivarez College, nagmula sa pananaig laban sa Trinity of Asia na nag-walk out sa kanilang laro noong Lunes sa Ugnayang La Salle gym­nasium sa DSLU-Das­mariñas.

Dahil sa 5-0 record, nakamit ng Sea Lions ang top semis berth, ngunit hangad pa ring mawalis ang eliminasyon sa pagharap sa National College of Business and Arts ngayon sa RTU gymnasium.

Nanalo ang RTU Blue Thunder ni coach Johnedel Cardel laban sa Manuel L. Quezon University, 88-60, para makamit ang semis slot sa kanilang 4-2 card.

Show comments