^

PSN Palaro

Panahon na ng NU PEP squad, kampeon sa cheerdance

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbunga ang maagang paghahanda ng National University nang kunin ang kauna-unahang UAAP Cheerdance Competition title na pinaglabanan kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay  City.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa labas ng venue, mainit at suwabeng ipinakita ng NU Pep Squad ang kanilang mahusay na performance gamit ang Arabian theme para ma­kagawa ng kasay­sayan sa kompetisyong sinimulan noong 1994.

Hinahawakan ni Ghicka Bernabe bilang coach, na­kakuha ang NU Pep Squad ng nangungunang 696.5 puntos para higitan ang naitalang pangatlong puwesto noong 2012 sa kompetisyong suportado ng Samsung.

Ang University of the Philippines Pep Squad na nagbalak na manalo sa ika­apat na sunod na taon ay nabigo at nakontento sa pangalawang puwesto sa 602.5 puntos. Ininda ng koponan ang ilang pagkakamali para matapos ang pagdodomina sa kompetisyon.

Kinuha ng La Salle ang ikatlong puwesto sa 596.5 puntos.

Ang panalo ng NU ay nagkakahalaga ng P340,­000.00 habang ang UP ay nakakubra ng P200,000.00 at ang La Salle ay may P140,000.00 prem­yo.

Ang iba pang koponan na kasali at ang kanilang tinapos ay FEU (589.5),  Adam­son (559.5), UE (559), UST (546) at Ateneo (514).

Umabot sa record crowd na 20,830 ang sumaksi sa kompetisyon at kinumpleto ng NU ang ‘di makakalimutang araw dahil sila rin ang nanalo sa Group Stunt  competition habang ang FEU at UST ang tumapos sa sunod na dalawang puwesto.

Hinirang naman si Ana de Leon bilang 2013 Samsung Stunner.

vuukle comment

ANG UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES PEP SQUAD

CHEERDANCE COMPETITION

GHICKA BERNABE

GROUP STUNT

LA SALLE

MALL OF ASIA ARENA

NATIONAL UNIVERSITY

PEP SQUAD

SAMSUNG STUNNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with