MANILA, Philippines - Nasa simbahan si Manny Pacquiao nang durugin ni Floyd Mayweather Jr. si Mexican Canelo Alvarez sa MGM Grand Hotel kahapon.
“I texted Manny and I told him we were watching the fight and he didn’t even respond. You know Manny. He doesn’t watch boxing,†wika ni Mike Koncz, ang adviser ni Pacquiao.
Saludo si Koncz sa one-sided na panalo ni Floyd dahil kinilala niya ang ginawa ng walang talong US boxer ang dapat na gawin para hindi makapagdomina si Alvarez.
“Mayweather did what he needed to do. And Canelo had a very bad game plan. You can’t beat Mayweather in the middle of the ring,†wika pa ni Koncz.
Matapos ang magandang panalo ni Mayweather, ang mata ay tiyak na itututok kay Pacquiao na aakyat ng ring sa Nobyembre 24 para labanan si Brandon Rios sa Macau.
Ito ang unang laban ni Pacman ngayong taon at hanap niya na burahin sa isipan ng mga tagahanga ang tinamong pagkatalo sa kamay nina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez noong 2012.
Naniniwala naman si Koncz na kayang makapagtala ng Kongresista ng Sarangani Province ang hanap na kumbinsidong panalo dahil wala siyang iniisip kundi si Rios.
May mga nagsasabing sakaling manalo si Pacquiao kay Rios ay malaki ang posibilidad na magkrus na ang landas nila ni Mayweather lalo pa’t sinabi ng huli na dalawang beses siyang lalaban sa 2014.