^

PSN Palaro

WBC National finals itinakda sa Sept. 14

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sina six-time world cham­pion Paeng  Nepomu­ceno, veteran  internatio­nalist Liza del Rosario at ang nagdedepensang kampeon sa kababaihan Krizziah Tabora ang mga namumuno sa mga maglalaban sa Bowling World Cup national title sa Setyembre 14 at 15.

Si Nepomuceno at 55 iba pang kalalakihan ay maglalaro ng 12 games sa Setyembre 14 habang sina Del Rosario, Tabora at iba pang finalists sa kababaihan ay magpapagulong ng 10 laro sa Setyembre 15 at ang mga ito ay matutunghayan sa Coronado Lanes.

May kabuuang 86 kalalakihan at 50 kababaihan ang magtutuos at ang mangungunang 34 male at female bowlers  ay magla­laro pa ng 12 at 10 games sa Paeng’s Midtown sa Setyembre 17 (men’s) at 18 (ladies).

Ang top eight sa mag­kabilang dibisyon ang sasabak pa sa eight games sa Setyembre 20 para malaman ang mangungunang tatlo na siyang magtatagisan para sa titulo.

Biyaheng patungong Krasnoyarsk, Russia ang makakamit ng hihiranging kampeon sa magkabilang dibisyon dahil sila ang kinatawan ng Pilipinas sa 49th Bowling World Cup.

Si Nepomuceno ang natatanging bowler sa mundo na nanalo ng apat na World Cup titles.

Noong nakaraang taon, si Tabora ay sinamahan ni Busan Asian Games gold medalist RJ Bautista para maglaro sa Wroclaw, Poland pero nabigo sila na bigyan ng titulo ang Pilipinas.

Si Tabora ay tumapos sa 14th spot habang nala­gay lamang sa 34th place  si  Bautista.

BAUTISTA

BOWLING WORLD CUP

BUSAN ASIAN GAMES

CORONADO LANES

DEL ROSARIO

KRIZZIAH TABORA

PAENG

SETYEMBRE

SI NEPOMUCENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with