Mbomiko naka-isa rin

MANILA, Philippines - Mula sa kanyang ipi­nakitang kabayanihan la­ban sa Letran College noong nakaraang linggo, hinirang si Cameroonian import Aziz Mbomiko ng Lyceum bilang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week na itinataguyod ng Gatorade.

Sa 80-76 paggitla ng Pirates kontra sa Knights sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tournament ay nagtala ang 22-anyos na si Mbomiko ng 22 points, 7 rebounds, 5 steals at 1 assist.

Bago talunin ang Letran ay ginulat na ng Lyceum ang three-peat champion San Beda sa first round.

Ang Cameroonian import, ayon kay Lyceum coach Bonnie Tan, ay lumahok lamang sa kanilang ipinatawag na tryout.

Kasalukuyang magkasosyo sa liderato ang Letran at ang San Beda mula sa magkatulad nilang 9-2 record kasunod Perpetual (8-3), San Sebastian (6-5), JRU (5-6),  EAC 5-6), St. Benilde (5-6), Lyceum (4-7), Arellano (3-8) at Mapua (1-10).

Show comments