MANILA, Philippines - Iwinagayway ni Efren “Bata†Reyes ang husay sa pool nang kunin ang huling limang racks na pinaglabaÂnan tungo sa 9-4 panalo laban kay Young Jeong Hwa ng Korea at umabante na sa World 9-Ball Championship main draw.
Tinapos kahapon ang Group Eliminations sa AlaÂrabi Sports Club sa Doha, Qatar at si Reyes na kumampanya sa Group 1 ang isa sa apat na Filipino cue artists na nanalo sa mga naunang laro sa loser’s side.
Hindi naman nagpahuli si Marlon “Marvelous†Manalo, Carlo Biado Mark Antony na tinalo ang mga nakaharap para umabante rin mula sa Group 2, 4 at 6, ayon sa pagkakasunod.
Lumayo agad sa 3-0 si Manalo tungo sa 9-4 panalo laban kay Sniegocki Mateusz ng Poland habang sina Biado at Antony ay kinailangang kakitaan ng tibay para talunin ang mga nakaribal.
Bumangon si Biado mula sa 5-7 iskor sa pagpanalo sa huling apat na racks tungo sa 9-7 tagumpay kay Canadian Jasson Klatt habang sa 4-6 nagmula si Antony bago naiuwi ang 9-7 panalo kay Marc Claramunt ng Spain.
Bago ito ay may apat na Pinoy pool players ang nakatiyak na ng puwesto matapos pamunuan ang winner’s bracket.
Si Antonio Gabica ay kuminang kay Dominic Jentsch ng Germany, 9-7, sa Group 2; si Israel Rota ay nangibabaw kay Abdulla Al Yousef ng Kuwait, 9-5, sa Group 10; si Marlon Villamor ay umiskor ng 9-0 shutout panalo kay Nick Ekonomopoulos ng Greece sa Group 15, habang si Dennis Orcollo ay sinibak si Tomasz Kaplan ng Poland, 9-4, sa Group 16.
Malaki pa ang posibilidad na madagdagan pa ang panlaban ng bansa dahil sasargo pa sa loser’s bracket sina Jeff de Luna (Group 8), Ramil Gallego (Group 8), Francisco Bustamante (Group 11), Raymund FaÂraon (Group 12) at Lee Van Corteza (Group 13).