Ibay itinakas ang Saints sa panalo sa NAASCU
MANILA, Philippines - Sinandalan ng nagdeÂdepensang kampeon na Saint Clare College- Caloocan ang dalawang free throws ni Jayson Ibay para itakas ang 57-53 panalo sa Our Lady of Fatima University sa 13th NAASCU basketball tournament sa Rizal Technological University gym noong Biyernes.
Ang free throws ni Ibay ay ginawa sa huling 10 segundo bilang tugon sa tres na binitiwan ni Joseph Marquez para lumapit ang Phoenix sa 55-53, may 16 segundo sa orasan.
Ito ang ika-pitong sunod na panalo ng Saints sa walong laro at manatiÂling nakadikit sa Centro EsÂcolar University na lumaÂwig ang winning streak sa walong diretso matapos ang 69-45 paggapi sa New Era University sa isa pang laro.
Nagsanib-puwersa sina Samboy de Leon at Rodrigue Ebondo sa 17-2 run sa huling yugto para makakawala ang Scorpions at manatiling nagsosolo sa liderato.
Nanguna naman si RTU president Dr. Jesus Rodrigo Torres sa mga sumuporta sa host team na nanaig sa City University of Pasay, 54-45.
Ang panalo ng Blue Thunder ay ikalima sa waÂlÂong laro para manatiling nasa ikatlong puwesto haÂbang ang Our Lady of Fatima University ang nasa ikaapat sa pantay na 4-4 karta.
Ang NEU ay may 2-6 baraha habang nasa huÂlihan sa anim na kopoÂnang liga ang CUP sa 1-7 baraha.
- Latest