MANILA, Philippines - Pumasok na sa quarÂterÂÂfinals ang Cagayan Province habang nalasap ng Smart ang ikalawang sunod na pagkatalo sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Nagsanib sina Thai spiker Kannika Thipachot at Angeli Tabaquero sa 23 sa 40 attack points ng Lady Rising Suns para ibigay ang 25-16, 25-17, 25-22, straight sets panalo sa FEU at isulong ang malinis na karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s sa 5-0.
May 14 puntos si ThiÂpachot, si Tabaquero ay may 10 habang si Aiza Maizo ay nagdagdag pa ng 11, kasama ang dalawang aces. Ang isa pang import ng Cagayan na si Phomia Soraya ay may 9 puntos, bukod sa 28 excellent sets para manalo kay Lady Tamaraws Gyzelle Sy na may 23 excellent sets.
Si Remy Palma ay may 8 kills tungo sa 9 puntos para pamunuan ang FEU na bumaba sa 0-4 baraha. Kailangan nila ngayong walisin ang nalalabing tatlong laro para masama sa anim na koponang aabante sa quarterfinals.
Lumasap naman ng ikalawang sunod na pagkaÂtalo ang Net Spikers sa kamay ng Philippine Air Force, 22-25, 18-25, 17-25, sa ikalawang laro.
Hindi nakapaglaro si Maru Banaticla para buÂmaba sa pitong manlalaro na lamang ang sinandalan ni coach Roger Gorayeb para makasalo na ang Meralco sa ikatlo at apat na puwesto sa torneong may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
May 14 kills si Maika Ortiz habang 12 ang ginawa ni Judy Ann Caballejo para sa Air Women na nanalo sa ikalawang sunod na pagkakataon upang maitabla ang karta sa 2-2.