Sa World Cup of Pool: Orcollo, Corteza paborito
MANILA, Philippines - Hindi malayong lumutang uli ang husay ng Filipino cue-artist sa idaraos na World Cup of Pool sa York Hall, London mula Setyembre 17 hanggang 22.
Ito na ang ika-walong edisyon ng kompetisyong binigyan ng buhay noong 2006 sa Wales at nagkampeon na ang Pilipinas ng dalawang beses noong 2006 at 2009 sa katauhan nina Efren “Bata†Reyes at Francisco “Django†Bustamante.
Hindi kasali sina ReÂyes at BusÂtamante sa pagkakataong ito dahil ang Pilipinas ay kakatawanin nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza.
Ikalawang sunod na taon na magpapares sina Orcollo at Corteza sa kompetisyon at sila ang itinatalagang paborito na magkampeon base sa kaÂnilang number two at three ranking sa mundo.
Sa panayam ng AZ BIlliards sa dalawang manlalaro ay may kumpiyansa sila sa tsansang madomina ang torneo kahit ang unang samahan noong 2012 ay nakitaan ng pagkatalo agad sa first round.
Tumataginting na $60,Â000.00 ang premyong maÂpapanalunan ng hihiranging kampeon at ang unang kalaban ng Pilipinas ay ang Croatia sa Setyembre 17.
Samantala, handa na rin ang lahat para sa Yalin Women’s World 10-Ball Championship na gagawin sa Resorts World Manila mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 4.
“The Yalin Women’s World 10-Ball ChamÂpionship is where Jasmin OusÂchan, Rubilen Amit and Kelly Fisher turned into World Champions. We have the best format in the toughest game in a fair and neutral environment. We host it in the Philippines where pool is a sport and every player is treated like a star,†wika ni Charlie Williams ng Dragon Promotion na siyang nagpapalaro.
- Latest