Sinagasaan ang UP NU sinakmal ang playoff

Laro sa Sabado

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

2 p.m. UST vs UP

4 p.m. Adamson vs FEU

 

MANILA, Philippines - Tuluyan nang inangkin ng Bulldogs ang playoff seat para sa isang tiket sa Final Four matapos sikwatin ang kanilang ikaanim na sunod na panalo

Pinasadsad ng National University ang University of the Philippines, 79-62, para patuloy na pamunuan ang second round ng 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Natikman ng Fighting Maroons ang kanilang ika-12 sunod na kamalasan.

Tumapos si two-time UAAP Most Valuable Player Bobby Ray Parks, Jr. na may season-high 30 points, 10 rebounds at 5 assists para sa Bulldogs.

“We talked about this game for the last three days and we said we didn’t want to take UP lightly,” sabi ni  NU coach Eric Altamirano.

Umiskor si Parks ng 17 markers sa first half kung saan nakalapit ang UP sa 36-43 bago naiwanan sa 64-48 sa third quarter sa likod nina import Emmanuel Mbe, Joeffrey Javillonar at Gelo Alolino.

Nagdagdag si Mbe ng 14 points at 13 rebounds para sa Bulldogs, habang nagtala si Raul Soyud ng 17 points at 12 rebounds sa panig ng Fighting Maroons.

Sa ikalawang laro, sumalo ang De La Salle University sa ikalawang puwesto matapos ungusan ang minamalas na University of the East sa overtime, 75-65, at ilista ang kanilang pang limang dikit na panalo.

Humugot si Jeron Teng ng siyam na puntos sa extra period para banderahan ang Green Archers.

Napunta ang laro sa overtime matapos ang split ni Roi Sumang sa huling 0.4 segundo na nagtabla sa UE sa La Salle sa 56-56.

Bitbit ng NU ang liderato mula sa kanilang 9-3 kartada kasunod ang La Salle (8-4), Far Eastern University (8-4), five-time champions Ateneo De Manila University (6-5), University of Sto. Tomas (6-5), UE (5-6), Adam­son University (4-8) at UP (0-11).

NU 79 - Parks 30, Mbe 14, Javillonar 6, Alolino 6, Alejandro 6, Khobuntin 5, Villamor 4, De Guzman 4, Rosario 2, Javelona 2, Rono 0, Porter 0.

UP 62 - Soyud 17, Marata 14, Desiderio 8, Lao 6, Gallarza 4, Ball 4, Wong 3, Pascual 3, Paras 2, Harris 2,  Amar 0

Quarterscores: 24-19; 43-36; 64-48; 79-62.

DLSU 75 - Perkins 22, Teng 17, Vosotros 16, Van Opstal 9, T. Torres 6, Revilla 3, N. Torres 2, Salem 0, Rreyes 0, Montalbo 0, De La Paz 0

UE 65 - Sumang 17, Noble 17, Jumao-as 13, Mammie 11, Sumido 2, Javier 2, Casajeros 2, Alberto 1, Santos 0.

Quarterscores: 14-21; 30-35; 41-45, 56-56; 75-65 (OT).

 

Show comments