Jaguars giba sa Stallions

MANILA, Philippines - Umiskor ang Manuel L. Quezon University Stallions ng walong puntos mula sa fastbreak plays sa hu­ling segundo ng labanan upang iligwak ang Philippine School of Business Administration Jaguars, 87-82, kahapon sa Olivarez College gymnasium sa Sucat, Parañaque.

Nanguna sa opensa ng Stallions si Leo Tamayo na tumapos ng 25 points, tampok rito ang  driving layup sa huling 3:48 upang baklasin ang  kadena sa 76-all deadlock na nagbigay sa Stallions ng unang panalo matapos ang dalawang laro sa 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament.

Itinulak rin ng Stallions ang Jaguars sa paggawa ng tatlong pagtatapon ng bola na kasabay ng pag­atake nina Alvin Escalona at John Paul sa fastbreaks at ibigay sa MLQU ang 84-77 pangunguna may 2:51 sa oras.

Sa iba pang laro, tinalo ng defending champion Olivarez College Sea Lions ang Rizal Technological University Blue Thunder, 54-50.

 

Show comments