MANILA, Philippines - Pipilitin ng Perpetual Help na makasosyo sa ikaÂlawang puwesto sa pagÂharap sa Arellano University ngayong alas-4 ng hapon sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tourÂnament sa The Arena sa San Juan City.
Sa ikalawang laro sa alas-6 ng gabi ay magtaÂtagpo naman ang Jose RiÂzal University at College of St. Benilde.
Ang Altas ng 73-anyos na si coachAric Del Rosario ang highest scoring team muÂla sa kanilang average na 75.11 points a game sa first round.
Muling aasahan ng PerÂpetual sina import Nick OmoÂrogbe, rookie Juneric Baloria, Harold Arboleda at Chris Olopre katapat sina Prince Caperal, Jasper OgoÂvida at John Pinto ng ArelÂlano.
Nagmula ang Altas sa 90-89 paglusot sa Blazers noong Agosto 26, habang umiskor ang Chiefs ng 67-64 panalo laban sa Heavy Bombers noong Agosto 24.
Muling maglalaro ang Arellano ni mentor Koy BaÂnal nang wala si Fil-CaÂnadian James Forrester, naÂpatawan ng isang two-game suspension.
Nauna nang tinalo ng PerÂpetual ang Arellano, 73-66, sa first round noong Hulyo 18.