Djokovic, Murray umusad sa 3rd round

NEW YORK--Kapwa umabante sina Novak Djo­kovic at  Andy Murray sa third round ng U.S. Open matapos makalusot sa kani-kanilang kalaban.

Tinalo ng top-seeded na si Djokovic si Benjamin Becker ng Germany, 7-6 (2), 6-2, 6-2, habang pinayukod naman ng nagdedepensang si Murray si Leonardo Mayer, 7-5, 6-1, 3-6, 6-1.

Umiskor naman ang dating kampeong si Lleyton Hewitt ng 6-4, 5-7, 3-6, 7-6 (2), 6-1 panalo kontra kay 2009 winner Juan Martin del Potro.

 Ito ang pang siyam na pagkakataon sa nakaraang 10 taon na nagkaharap ang dalawang dating title winners sa New York.

“I don’t know how many years I’ve got left in me. I keep getting asked the question,”  sabi ng 32-an­yos na si Hewitt, naghari sa Wimbledon noong 2002. “I’m just pumped to get out on this court and try to put on a great show.”

 Sa women’s draw, nagtala si defending champion at top seed Serena Williams ng isang 6-3, 6-1 panalo laban kay Yaros­lava Shvedova ng Ka­zakhstan.

Naitakda ang kanilang fourth-round clash ni Sloa­ne Stephens, tinalo si Wil­liams sa quarterfinals ng nakaraang Australian Open.

“It will be epic,” wika ni Stephens, sinibak si American compatriot Jamie Hampton 6-1, 6-3. “I’m really looking forward to it. See what happens.”

 

Show comments