MANILA, Philippines - Aminado si National coach Chot Reyes na maÂhiÂhirapan ang Gilas Pilipinas sa isa man sa apat na koponang pumasok sa seÂmifinal round ng kasalukuÂyang 2013 FIBA Afro Basket sa Abidjan, Cote d’Ivoire (Ivory Coast).
Ito ang inihayag ni ReÂyes sa kanyang Twitter account na @coachot kaÂhaÂpon mula sa kanyang ginagawang scouting sa torneo sa Ivory Coast.
“Very slim vs Angola, slim vs d other 3, but at least may chance,†wika ni Reyes sa kanyang Twitter account.
Bukod sa host team na Ivory Coast, ang iba pang umabante sa semis ay ang Angola, Egypt at Senegal.
Tinalo ng Senegal ang Nigeria, 64-63; giniba ng Angola ang Morocco, 95-73; tinakasan ng Egypt ang Cape Verde, 74-73; at dinaig ng Ivory Coast ang Cameroon, 71-56, sa quarterfinals.
Nakatakdang labanan kagabi ng Ivory Coast ang Angola, habang sasagupain naman ng Egypt ang Senegal kung saan ang dalawang koponang manaÂnalo ang awtomatikong makakakuha sa dalawa sa tatlong tiket para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Ang ikatlo at huling puwesto ay pag-aagawan naman ng dalawang natalong tropa.
Maliban sa Gilas Pilipinas, ang dalawa pang kakatawan sa Asya sa 2014 FIBA World Cup ay ang Iran, ang nagkampeon sa nakaraang 27th FIBA-Asia Men’s Championships, at Korea.
Huling nakapaglaro ang bansa sa world meet ay noong 1974 sa San Juan, Puerto Rico kung saan tinalo ng mga Pinoy cagers ang Central African Republic para sa 13th place.
Noong 1954 FIBA World Cup sa Sao Paolo, Brazil ay nanalo ng bronze medal ang Pilipinas sa likod nina Caloy Loyzaga, Larry Mumar, Frank Rabat, Nap Flores, Mariano Tolentino, Pons Saldana, Ben Francisco, Bayani Amador, Florentino Bautista, Tony Genato, Ramon Manulat at Rafael Barretto.
Para sa 2014 FIBA World Cup, ang 24 koponan ay hahatiin sa apat na grupo na may tig-anim na tropa.