Federer pinatalsik si Zemlja sa US Open
NEW YORK--Umabante si Roger Federer, may record na 17 Grand Slam titles, sa second round ng US Open matapos kunin ang 6-3, 6-2, 7-5 panalo laban kay 62nd-ranked Grega Zemlja ng Slovenia.
Sa edad na 32-anyos at kasalukuyang nasa kanyang pinakamababang ranking, bilang No. 7, sinabi ni Federer na nasa puso pa rin niya ang paglalaro.
“I’m in a good spot right now,†wika ni Federer. “I want to enjoy it as long as it lasts.â€
Sa kanyang paglalaro sa US Open ay bitbit ni Federer ang 32-11 record matapos magtala ng 81-4 at 92-5.
Isang torneo lamang ang kanyang naipanalo ngayong 2013.
Sa isa pang laro, tinalo ng 17-anyos na si Victoria Duval, ang ranked 296th, si 2011 US Open champion Sam Stosur, 5-7, 6-4, 6-4.
Ito pa lamang ang unang pagkakataon na may tinalo si Duval na player na mas mataas ang ranggo sa No. 69 at maging sa isang Grand Slam match.
“I know she didn’t play her best today, and this is the best I’ve played in my career, so I’m really excited,†ani Duval. “I just tried to stay in the moment.â€
Ang iba pang seeded women na nasibak bukod sa No. 11 na si Stosur ay sina No. 17 Dominika Cibulkova, No. 20 Nadia Petrova at No. 31 Klara Zakopalova.
- Latest