Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
4 p.m. Mapua vs EAC (Jrs.)
6 p.m. Mapua vs EAC (Srs.)
MANILA, Philippines - Wawakasan ngayon ang aksyon sa first round sa 89th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City sa pagtutuos ng Mapua at Emilio Aguinaldo College sa seniors at juniors division.
Unang laro ay ang pagÂkikita ng Red Robins at ÂBrigadiers sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng tagisan ng Cardinals at Generals dakong alas-6 ng gabi.
Bagamat parehong may losing records ang MaÂpua at EAC, pupukpok pa rin ang dalawang koponan para magkaroon ng momentum papasok sa mahalagang second round.
Sa ngayon, ang tropa ni coach Gerry Esplana ay may 3-5 baraha pero galing sila sa dalawang sunod na panalo laban sa Lyceum (83-76) at Arellano (79-63).
Kung saÂkaling madugÂtungan ng Generals ang pagpapanalong ito, sasaÂluÂhan nila ang pahingang San Sebastian sa ikaliÂmang puwesto upang mas gumanda ang paghahabol para sa Final Four.
Sa kabilang banda, waÂkasan ang anim na suÂnod na pagkatalo ang dagdag hamon sa tropa ni coach Fortunato “Atoy†Co.
Hindi naman mababago ng makukuhang panalo ang kinalulugarang ika-sampu at huling puwesto sa liga pero tiyak na makakatulong ang makukuhang panalo para magkaroon ng kumpiyansa papasok sa second round.
Dapat na manumbalik ang dating magandang laro na ibinibigay ng mga beteranong sina Kenneth Ighalo at Joseph Eriobu upang mapigilan ang pagpapanalo ng Generals na sasandal kina Noube Happi, Igee King, Jan Jamon, John Tayongtong at Elyzar Paguia.
Samantala, makikipagsiksikan naman ang Red Robins sa CSB-LSGH at Jose Rizal University sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto sakaling pataubin ang Brigadiers sa unang laro.
May iniingatang 5-3 baraha ang Red Robins at bitbit nila sa laro ang 3-game winning streak para mas paboran sa Brigadiers na may isang panalo lamang sa walong pakikipaglaban.