^

PSN Palaro

‘Pingoy rule’ iaakyat ni Sen. Pia sa korte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabalak  ang  kampo ni  Senador Pia Cayetano na ituloy ang laban kontra sa UAAP patungkol sa bagong residency rule na kilala rin sa taguring ‘Pingoy rule.’

Sa lumabas na ulat sa Spin.ph, sinabi nitong handang kuwestiyunin hanggang korte ang legalidad ng bagong residency rule na nagsasaad na ang isang manlalaro mula sa UAAP school na gustong lumipat ng paaralan ay dapat na sumailalim sa two-year residency.

Si Jerie Pingoy ang isa sa naapektuhan ng ruling na ito dahil ang pambatong guard ng FEU junior team ay hindi nakapaglaro sa taong ito dahil lumipat siya ng Ateneo.

Nagsagawa pa ng hea­ring si Cayetano at sinabing hindi makatarungan ito dahil labag ito sa karapatan ng isang tao na mamili para sa ikagaganda ng kanyang  kinabukasan.

Gumawa naman ng hak­bang ang UAAP board at isiningit na hindi na ma­ngangailangan ng two-year residency kung kusang bibitiwan ng mother school ang manlalarong nais na lumipat ng ibang paaralan.

Noon pang Abril naisa­gawa ang pagdinig at ang Season 76th ay nasa se­cond round na ngayon.

Matatandaan na dumulog sa korte ang mga magulang ni UP Integrated School player Jozhua General para pigilan ang pagbabawal sa kanya ng liga na makapag­laro dahil sa magkaibang pananaw patungkol sa taon ng kanyang graduation sa elementary school.

 

ABRIL

ATENEO

CAYETANO

GUMAWA

INTEGRATED SCHOOL

JOZHUA GENERAL

MATATANDAAN

SENADOR PIA CAYETANO

SI JERIE PINGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with