Batang Pinoy lalarga ngayon sa Davao

MANILA, Philippines - Sisimulan ngayon ang 2013 Batang Pinoy sa pag­sambulat ng kompetisyon sa Davao Del Norte Sports Complex sa Tagum City para sa Mindanao elimination.

May 1600 batang atleta mula sa 40 siyudad at pro­binsya sa rehiyon ang inaasahang magtatagisan sa 23 sports na nakahanay sa patimpalak.

Si PSC chairman Ricardo Garcia  ang mangu­nguna sa opening ceremony kasama si commissio­ner-in-charge Jolly Gomez bukod pa kay Davao del Norte governor Rodelfo Del Rosario.

Si Commissioner Akiko Thomson-Guevarra, PSC consultant at tennis secretary-general Romeo Magat at Batang Pinoy project director Atty. Jay Alano ay dadalo rin sa simpleng opening ceremony

Ang mga mananalo sa mga events na paglalaba­nan sa iba’t-ibang palakasan ay aabante sa National Finals sa Zamboanga City mula Nobyembre 19-23.

Natapos ang Mindanao ay sunod na lalarga ang aksyon sa Maasin, Leyte para sa Visayas Leg at sa Iba, Zambales para sa Lu­zon Leg.

 

Show comments