Batang Pinoy lalarga ngayon sa Davao
MANILA, Philippines - Sisimulan ngayon ang 2013 Batang Pinoy sa pagÂsambulat ng kompetisyon sa Davao Del Norte Sports Complex sa Tagum City para sa Mindanao elimination.
May 1600 batang atleta mula sa 40 siyudad at proÂbinsya sa rehiyon ang inaasahang magtatagisan sa 23 sports na nakahanay sa patimpalak.
Si PSC chairman Ricardo Garcia ang manguÂnguna sa opening ceremony kasama si commissioÂner-in-charge Jolly Gomez bukod pa kay Davao del Norte governor Rodelfo Del Rosario.
Si Commissioner Akiko Thomson-Guevarra, PSC consultant at tennis secretary-general Romeo Magat at Batang Pinoy project director Atty. Jay Alano ay dadalo rin sa simpleng opening ceremony
Ang mga mananalo sa mga events na paglalabaÂnan sa iba’t-ibang palakasan ay aabante sa National Finals sa Zamboanga City mula Nobyembre 19-23.
Natapos ang Mindanao ay sunod na lalarga ang aksyon sa Maasin, Leyte para sa Visayas Leg at sa Iba, Zambales para sa LuÂzon Leg.
- Latest