Lyceum nanilat: Baltazar bumandera sa paggiba sa baste

Laro sa Huwebes

(The Arena, San Juan City)

4 p.m.  Mapua vs EAC (Jrs.)

6 p.m.  Mapua vs EAC (Srs.)

 

 

MANILA, Philippines - Nabiyayaan ng suwerte ang Lyceum nang manalo ito sa San Sebastian, 60-55, at wakasan ang limang sunod na pagkatalo sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Dalawang puntos lamang ang naitala ng Pirates sa huling yugto ngunit sapat na ito para kunin ang ikatlong panalo sa si­yam na laro dahil na rin sa maagang pag-iinit sa unang tatlong yugto.

Si Wilson Baltazar ay gumawa ng career high 19 puntos at dalawa sa kanyang limang tres tungo sa wa­long pun­tos ang kanyang ibinagsak sa ikatlong yugto para bigyan ng pinakamalaking 58-31 bentahe ang bataan ni coach Bonnie Tan may 1:03 sa orasan.

Pero ang inakalang lop­sided win ay nauwi sa ma­hipitang pagtatapos dahil hindi nakapuntos ang Pirates sa sumunod na 9:48 ng labanan.

Dalawang split ang ginawa ni Jaymar Perez para tapusin ang aksyon sa ikatlong yugto bago rumatsada ng 22-0 run ang Stags sa huling yugto.

Ang split ni Leo de Vera sa huling 24.7 segundo ang naglapit pa sa tropa ni coach Topex Robinson sa tatlo 58-55 upang mangamba ang mga panatiko ng Lyceum.

Pero naisulot ni  Andrei Mendoza ang kanyang drive para  sa unang dalawang puntos ng Pirates bago sumablay ang tres ni Jamil Ortuoste at follow-up ni Jovit dela Cruz para malaglag ang Baste sa ikatlong sunod na pagkatalo tungo sa 4-5 baraha.

Si Joemari  Lacastesantos ay nagdagdag ng 12 puntos para sa Pirates na nanalo kahit di nakakuha ng magandang numero sa beteranong si Shane Ko na may dalawang puntos lamang.

May 16 puntos si Perez ngunit siya lamang ang nag-iisang manlalaro ng Baste na may doble-pi­gu­rang naitala sa laro para manatiling nasa ikalimang puwesto sa standings.

LPU 60--Baltazar 19, La­cas­tesantos 12, Taladua 9, Mendoza 6, Mbomiko 4, Ala­nes 3, Evangelista 2, Ambohot 2, Ko 2, Garcia 1, Soliman 0, Lesmoras 0.

SSC-R  55--Perez 16, Ortuoste 9, Guinto 8, Dela Cruz 7, Tano 6, De Vera 5, Gusti 2, Trinidad 2, Rebollos 0.

 Quarterscores: 18-4, 36-21, 58-33, 60-55.

Show comments