MANILA, Philippines - Pagkatalong nalasap ng San Beda sa Letran sa huling laro ang magbibigay-daan sa Perpetual Help na makasalo uli sa ikalawang puwesto sa pagtatapos ng kanilang mga asignatura sa unang ikutan sa 89th NCAA men’s basketball na magdaraos ng aksyon ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Nakaumang sa Altas ang ikapitong panalo sa siyam na laro sa pagharap sa bumabangong host College of St. Benilde na kanilang katagisan dakong alas-6 ng gabi.
Ang Knights ang lumabas bilang number one team matapos ang first round sa 8-1 karta matapos kunin ang 74-67 panalo sa Lions noong Sabado ng gabi.
Solo sa ikalawang puwesto ang Lions sa 7-2 karta ngunit hindi malayong may makasalo sila matapos ang larong ito.
Balak naman ng San Sebastian na pahigpitin pa ang labanan sa unang apat na puwesto sa pag-asinta ng panalo sa Lyceum sa alas-4 ng hapon.
May 4-4 baraha ang Stags ngunit kung manaÂnalo sila sa Pirates (2-6) ay tatablahan nila ang pahiÂngang Jose Rizal University sa ikaapat na puwesto sa 5-4 baraha.
Nabuksan ang pagkaÂkataon na umangat sa ikaÂapat na puwesto ang Stags nang lumasap ng 64-67 pagkatalo ang JRU sa Arellano sa huling laro.
Galing ang Altas mula sa 80-66 panalo sa Knights para wakasan ang naunang pitong sunod na panalo nito.
Pero ang larong ito ay nangyari noon pang Agosto 15 at nananalig si Altas coach Aric del Rosario na maaaring hindi maapekÂtuhan ang magandang ipinakikita ng kanyang mga alipores ng mahabang paÂhinga lalo pa’t ang Blazers sy may tatlong sunod na panalo upang maisantabi ang 0-5 start.