MANILA, Philippines - Personal na nagtungo si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa Ivory Coast para mag-scout sa mga koÂponang naglalaro sa 2013 FIBA Africa Men’s Championships.
Sa kanyang Twitter account na @ccoachot, sinabi ni Reyes na dumating na siya sa Ivory Coast kung saan idinadaos ang nasabing torneo kung saan ang top three teams ang maglalaro sa 2014 FIBA World sa Spain.
“What a trip. Left Manila 12mn. Finally checked into my hotel at 4pm here, wc is 12mn Manila time,†wika ni Reyes sa kanyang Twitter.
Pinag-aaralan ni Reyes ang mga koponang posibleng makalaro ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World.
Isa sa mga koponan sa FIBA Africa Championships na kinabiliban ni Reyes ay ang Egypt kung saan nagÂlalaro ang 6-foot-8 na si Assem Marei.
“Egypt giving Ivory Coast all it could handle. This kid Marei of Egypt is a stud! IC jst too tall & athletic!,†wika ni Reyes kay Marei.
Ang Egypt ay may 0-3 record sa Group A na dinoÂdomina ng Ivory Coast sa bisa ng 3-0 baraha kasunod ang Senegal (2-1).
May 3-0 kartada rin ang Angola sa Group C at may 2-0 baraha ang Cameroon sa Group D.
Bukod sa host Spain, ang iba pang nakakuha na ng tiket para sa 2014 FIBA World ay ang UniÂted States, Iran, Pilipinas, KoÂrea, Australia at New ZeaÂland.
Ang Iran, Pilipinas at KoÂÂrea ang nanguna sa FIBA-Asia, samantalang ang Australia at New Zealand ang namuno sa FIBA-Oceania Championships.