Ex-UE cager kumakatawan sa Spain

MANILA, Philippines - Isang dating University of the East Red Warrior ang makikita sa isa sa da­la­wang koponan na kaka­tawan sa Spain sa 3x3 FIBA World Tour sa Istan­bul, Turkey sa Oktubre.

Tanging si Ruben Za­bal­la ang Filipino cager na han­ay ng 18 elite players na lumahok sa elimination round sa Spain.

Ang Barcelona-based pla­yer ang isa sa apat na cagers na pinagpilian para ka­tawanin ang Barcelona, nakipaglaban sa Malaga na isa pang Spanish team.

“I’m honored to be one of the representatives of Team Spain in Lugano, Swit­zerland. Iyong feeling ko very overwhelming. I’m the only Asian to be there at alam naman nating lahat na second to the best bas­ketball team in the world ang Spain so it’s a huge achievement as a Filipino,” ani Zaballa sa panayam ng ABS-CBN Europe News Bureau.

Si Zaballa ay isang nine-time Most Valuable Pla­yer awardee sa Filipino basketball leagues sa Barcelona.

Nahirang siyang Player of the Year ng Copa de Ca­talunya noong 2010.

Minsan na niyang nakasabayan sa Red Warriors si James Yap ng San Mig Coffee.

Show comments